top of page
Writer's pictureTanggol Magsasaka

Golden Summit Mining Corp. private goons open fire at farmers in Cordon, Isabela


Pribadong armadong grupo ng Golden Summit Mining Corp., na galing sa Cordillera, pinaputukan ang mga magsasaka na nag-aasikaso ng tanim nilang puno, bungangkahoy, saging at gulay sa Bundok Tappaw, Anonang, Cordon, Isabela noong Agosto 10, 2022.


Noong Hulyo ay iligal na binakuran ng kumpanya ang buong bundok dahil daw may aplikasyon sila sa DENR para sa 100 ektaryang Forest Land Grazing Lease Agreement na hindi naman aprobado. May aplikasyon din ang mga residente para sa agro-forestry erya para makapagtanim ng makakain habang tinatamnan ng mga puno ang mas mataas na bahagi ng bundok. Hinarass, tinakot at iligal na pinagbawalan ng minahan ang mga residente na alagaan ang kanilang mga pananim.


Matatandaan nating napakalaking pinsala na ang nagawa ng pagmimina ng kumpanyang ito dahil sa open pit mine at mga ball mills nito sa Brgy. Anonang at Kakilingan. May mga palayang nalason ng mine tailings nito na hindi na maaaring tamnan, may mga natabunan ng buhangin, may hinarang na tubig irigasyon mula Diadi River. Ngayon ay pinagtatanggol ng mga residente ang Bundok Tappaw na nagkaroon muli ng agos mula sa mga bukal dahil sa tanim na puno ng mga residente. Ayaw ng mga residente na gawing negosyo ng kumpanya ang lugar dahil siguradong tubo lamang ang interes nito at maaangkin na malawak na lupain imbis na ang kapakanan ng nakararaming mga magsasaka sa lugar. PALAYASIN ang armadong grupo ng minahan sa Cordon! Itigil ang panggigipit sa mga residente! Ipaglaban ang lupa, kabuhayan, yamang ginto at ang ating kapaligiran para sa kinabukasan ng mamamayan.

12 views0 comments

Comentarios


bottom of page