top of page
Writer's pictureTanggol Magsasaka

Tagumpay ng SUGAR! 59th IB.PA. Nakikisawsaw! - Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan



Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan Opisyal na Pahayag Agosto 24, 2023


Tagumpay ng SUGAR! 59th IB.PA. Nakikisawsaw!


Walang kahihiyang nakikisawsaw ang 59th Infantry Batallion ng Philippine Army sa matagumpay na pamamahagi ng Ayuda na pinangunahan ng Sugarfolks Unity for Genuine Agricultural Reform o SUGAR katuwang ang Tanggapan ni House Speakers Martin Romualdez at Gabriela Women's Partylist.


Ang AYUDA na P10,000 sa bawat isang pamilya ay isinulong ng SUGAR mula ngagsara ang Central Asucarera ni Don Pedro Roxas o CADPI para mabigyan ng ayuda ang labing dalawang libong mga manggagawang bukid sa Tubuhan ng Batangas.


Sinabi pa ng 59th IB.PA, na malaki ang hanga ng lahat sa Prinsipyo ng SUGAR ay siya namang Tunay sapagkat walang ibang samahan na nagtulak na mabigyan ng kahit kaunting tulong ang mga magsasakang biktima ng kahirapan at pagsasara ng CADPI.


Ngayon sa ikalawang bugso ng Ayuda lamang ata nagising ang mga militar na NagRedtag sa mga bolunter ng SUGAR at nagsasabing Peke ang Ayuda. Sino kaya ang " Peke at Sinungaling?".


Hindi lugaw ang kailangan ng mga magtutubo at magsasaka sa Batangas kundi kapayapaan at ligtas na pamayanan at pagbintangan silang May kaugnayan sa CPP-NPA-NDF at hindi sila matulad kay Maximino Digno ng barangay Cahil, Calaca, Batangas namay deperensya sa pag-iisip na matapos mapatay ng militar ay inakuhasang NPA na napatay sa engkwentro noong Hulyo 26, 2022.


Katulad din ng 85th IB.PA na nakisawsaw sa medikal mission ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan o KASAMA-TK na ginanap noong Abril 10, 2022 sa Agdangan, Quezon na pinalilitaw na kapartner sila.


Kailangan mamulat ang mga magsasaka sa Batangas na walang ibang magtataguyod ng kanilang karapatan sa lupa, kabuhayan at karapatang pantao kundi ang SUGAR at mga kabalikat nitong samahan at Tagapagtaguyod na biktima ng RedTagging ng mga militar tulad ni Haily Pecayo na sinampahan ng gawa-gawang kaso ng 59th IB.PA.


Manindigan para sa kabuhayan, Ayuda at karapatang pantao at ilantad ang tunay na kulay ng militar. Kahit magpanggap kayong mga "Angel" hindi maikukubli ang mga rekord nyo ng paglabag sa karapatang pantao.


1 view0 comments

Comments


bottom of page